Friday, May 20, 2005

.:huling araw ng pagiging teenager:.

ang bilis ng panahon. may 20 na pala ngayon. bukas bente na ako. paalam na sa pagiging teenager. ang tanda ko na pala. di ko namalayan na lumipas na ang unang 20 taon ng aking buhay. ayoko pang tumanda sapagkat takot ako sa pagtanda, sa responsibilidad, sa maaaring mangyari sa hinaharap. walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay. at mukhang walang patutunguhan ang aking buhay. bukas bente na ako at di ko pa rin alam ang gusto kong mangyari.

.:PET workshop:.

kahapon ay bagsakan ng PET bottles para sa FOPC. di ko inasahan na kailangan pa ng workshop para dun, pero sige punta pa rin. masaya naman ang workshop. una akong nagpunta kina manu kasi kailangan daw dun ng keser para masimulan ang trabaho. halos puro lalaki kasi ang andun. baka magtagal ang gawain dahil sa bonding. pero mas kinailangan ng tao kina owen kaya't apat lang kaming natira: ako, aimee, manu, marves. ang saya! go info! nagweigh muna kami ng mga bagong bagsak tapos nagsimula na kaming mag-apak at magbalot ng PET bottles. grabe! nakakapagod. nakakapawis. wala pa yatang isang oras e hulas na kaming lahat. nagpahinga muna kami sandali para kumain. buti na lang dumating si steph, richard, at berna para tumulong. tapos dumating din si mickey. sumunod na rin si rach, jenny at marj. tulong tulong kami sa pag-apak ng PET bottles at aluminum cans. masaya subalit nakakasawa. dumating sina owen at roma para kumuha ng mga plastic. at kumuha na rin ng tao. nagvolunteer akong sumama kahit na alam kong dapat akong maiwan upang subayabayan ang mga bagay-bagay. naisip ko kasi na dapat kong samahan ang mga ebs ko subalit di ko mapapalampas ang pagkakataon na makasama ang mga kaibigan ko, ang maituturing ko ng barkada sa college. nataglan yata kami sa pagbalik nina owen kaya't pagdating namin sa bahy niya ay tapos na ang paglalaba. pero kadiri pa rin ang kalagayan dun. ang baho. pero wala akong karapatang magreklamo dahil hindi ko na inabutan ang paglalaba. ang sayang gumawa pag sama sama. sana lang ay mas maraming tao na nagpunta. minsan kasi nakakalungkot na pareho rin ang mga taong nakikita mong pumupunta sa mg activities. pero ganon pa man, nagpapasalamat ako at natapos din namin ang pag-aayos para sa tambak. sana makamit namin ang muling pagchchair ng FOPC.

Saturday, May 14, 2005

.:homework: can this be love:.

simple lang ang nakikita kong kaugnayan ng bansang korea at pilipinas sa pelikulang can this be love ayon narin sa katauhan nina hero at sandara. sa can this be love, si sandara ay isang mayamang koreana na pumunta sa pilipinas upang mag-aral ng ingles samantalang si hero ay isang matiyagang working student. nagkakilala sila nang ibenta ni sandara ang lumang cellphone niya kay hero. ginusto ni hero na mapalitan ang luma at sira niyang cellphone. sa mga katauhan pa lang nila, ipinakita na mas mayaman ang bansang korea sa pilipinas. at sa akto ng pagbebenta, ipinapakita din na mas advanced ang teknolohiya ng bansang korea. ironic lang kasi ipinapakitang mura ang edukasyon sa pilipinas samantalang maraming kabataan ang di kayang tustusan ang sarili nilang pag-aaral. may iba pang mga indikasyon ng pagiging mayaman ng korea at pagiging mahirap naman ng pilipinas sa mga katauhan nina hero at sandara. kailangan pang mag-ipon ni hero ng pera upang mailabas lang si sandara. at ang puno't dulo ng kanilang pag-aaway ay tungkol sa pera. in defense sa pagiging mahirap niya, nagalit si hero ng bayaran ni sandara ang pagkain nila ng minsan silang magdate. ipinapahayag din ng pelikulang ito ang mababang pagtingin ng korea sa pilipinas. naipakita ito nang ayawan ng tatay o tito yata ni sandara si hero nang ipinakilala niya ito. naipahayag din ito sa mga isinulat ni sandara sa kanyang term paper. ang pag-ooffer din ni sandara na bayaran ang ice cream na kinain nila ay tila pag-acknowledge na mahirap nga ang bansang pilipinas. ang pagkagusto naman ni hero kay sandara ay pagpapakita ng paghang ang mahihirap na bansa sa mga mayayamang bansa tulad ng korea. ipinakita sa pelikula ang pagkahilig nating mga pilipino sa mga imported na bagay, lalo na sa panahon ngayon na usung-uso ang koreanovela.

Friday, May 13, 2005

.:sorry:.

uuuhm...paano ko ba ito sisimulan?
malungkot ako ngayon.
di ko naman ginusto na maging kontrobersyal ang blog na ito.
pero mukhang ganoon ang nangyayari.
ginusto ko lang naman na maging honest ang mga entries ko.
na mareflect kung ano ang mga iniisip ko.
dahil sa pagka-anonymous ng mga entries ko.
di sinasadyang may mga nadamay.
gusto ko lang magsorry.
di ko ginusto na ganoon ang kalabasan.

Thursday, May 12, 2005

.:text part 3:.

text: hmmp, don't know how to say this, pero i think i have to..siguro di muna ko magtetext in the mean time until makapag-usap tayo. i'm trying not to complicate matters. i wanna save you from the hassle of reacting awkwardly from the messages i may be sending you. siguro nga it is best that you ignore my messages na lang, and in so doing, senseless naman siguro na magtetext pa ko..sorry kung nag-overreact ako to the point na mukha na kong tanga..sorry sa mga nagawa at di ko nagawa. and i truly mean my apology..looking forward to seeing and talking to you soon, can hardly wait. god bless!Ü

isip.

.:text part 2:.

text: "friendship is not finding the right person but creating the right relationship. it's not how much you love your friend from the beginning but how much love you build 'til the end." this was a message you sent me almost a year back. hope I didn't ruin what it says 'cause i won't be able to forgive myself if i did! dying to talk to you soon, but i can wait all my life if that's the time you needÜ

smile.

Tuesday, May 10, 2005

.:may 10:.

finally, nakapagcheck na din ako ng blog.Ü
i just want to share that i had so much fun in class yesterday. nakakatuwa kasi may bago na naman akong natuklasan tungkol sa sarili ko. isa pala akong heterosexist. bakit? kasi sa tingin ko, tanggap ko naman ang mha homosexual sa lipunan. marami akong kaibigan na ganun. madalas nila akong kwentuhan tungkol sa kanilang mga love life, relationship, sexual activities etc. i have nothing against gays or lesbians. enlightening na malaman ang pananaw nila sa ganoong mga bagay. pero nung pinag-usapan sa class ang kabaklaan ni piolo, di ko maikakailang nalungkot ako. parang ayokong tanggapin na bading siya. marami na rin ang nagsasabi sa kin nun. sinasabi nga daw na ang current boyfriend niya ay si brent javier. (sir, tama ba?) sayang nga talaga. haaay..ayoko nang manood ng mga movies ni piolo. tila magbabago na ang paningin ko sa tuwing hinahalikan niya ang partner niya sa pelikula..paano niya nagagawang humalik ng babae? ganun din ba siya humalik ng lalaki? haaay...

.:before anything else:.

H a P P Y B i R T H D a Y S i R M Y K e L !!!

Monday, May 09, 2005

.: ? :.

i should have blogged this earlier this morning when i had the time. now the emotion is all gone.

earlier this morning, i saw the person i least expected to see. the person i don't want to see.

first thought when i saw him: could it be fate or random circumstance? at the right place, at the right time, two roads intertwine.

reflection: how can i not think about him when i see him at the most unexpected time? i badly need to stop. someone help me =c

.:text:.

txt: somebody asked me, "are you taken?" i answered, "yes i'm taken..." then i turned around with tears in my eyes as i whispered, "taken for granted.." :'/

text sabay irap...
reply: ei. just want to clarify something. i admit that i was ignoring your messages lately because i am confused. i dunno how to interpret your actions. it has been a long time since you last texted me and when you texted me that "marami kang iniisip na bagay-bagay" nainis ako. dunno how to react anymore =c

after 48 years...
txt: i'm really really really SORRY! twas all my fault. I should've not let myself hanging. di kita masisisi if you react that way. masyado ko nagpadala sa mga issues ko sa sarili ko na nakalimutan ko na yung mga tao sa paligid ko. sinabi na sa'kin 'yon ni r** matagal na. i should not take you from the equation kasi YOU ARE the equation, pero ginawa ko pa rin. gusto ko lang naman ayusin ang sarili ko kaya di ako nagparamdam. naging mahirap sa'kin 'yon, buong time na 'yon di ako nagload, nakakatawa, para lang di ako matempt na itext ka. gusto ko muna kasing buuin ang sarili ko, ayokong humarap sa'yo na walang kasiguraduhan sa mga bagay-bagay. mahirap sabihin dito lahat. sana usap tayo soon. you can react however you like, i understand. alam ko mali ako. sana maayos pa 'to. sorry talaga.Ü

malalim na nag-iisip...
reply: Ü dunno if i can talk to you soon. i'm quite busy with summer classes. i'll text you when i'm free. i also want to talk.

after 2 seconds..
txt: i know mahirap magsummer class, uwian ka pa. yung message ko kanina, wag mo na lang pansinin 'yon. di na mauulit!Ü god bless na lang with what remains of your summer class! see you soon! ingat palagi.Ü

-->need i say more?

Saturday, May 07, 2005

.:cultural imperialism:.

according to wikipedia, "Cultural imperialism is the practice of promoting the culture or language of one nation in another. It is usually the case that the former is a large, economically or militarily powerful nation and the latter is a smaller, less affluent one. Cultural imperialism can take the form of an active, formal policy or a general attitude."

i think there is cultural imperialism when, in one way or another, a country's culture is somehow imposed on another country. philippine culture is greatly influenced or is highly dominated by other nations, most especially the united states. it cannot be denied that there seems to be a unilateral flow of goods or products from first world countries like the united states to third world countries like the philippines. that explains the imperialism part. first world countries look for neocolonies where they could export their surpluses. and it becomes cultural when our patronage of these products greatly affect or change our culture.

cultural imperialism is best exemplified when we patronize American products like foreign films. it is evident that only a few really patronize philippine movies. generally we love what is foreign or 'imported.' obviously, foreign films tackle foreign topics and their contents discuss foreign culture. watching these films somehow shapes our behavior and consciousness. even filmmakers are influenced by it. most filipino films today, though seemingly filipino in content, have elements which are imitated from other countries. and by patronizing these films, we somehow agree that American culture is superior to ours. and i think this is essentially the start of cultural imperialism, when we start to think that the culture of first world countries is superior to those in the third world.